Randomthoughts 12 June 2016


9:17 AM

1.       Wala kong Randomthoughts post nung May 2016. Anong ibig sabihin nun? Hokey. Tinamad ako or busy lang ako?
2.      Ito lang yung Sunday na wala kong pasok. Yahooo! Sige na nga, umabsent ako ng Saturday and Sunday nung April, kasi naglamyerda ko sa Baguio. At hanggang kalagitnaan ng July na lang na ganito ang weekends ko. Harinawa. 
3.      Namimiss ko na mamundok. Akyat-akyat pls.
4.      Hindi ako pwedeng hingin ng pieces of advice tungkol sa love and relationship problems. I give the worst suggestions. Sobrang bitter suggestions. What is happening to me?
5.      Katatapos ko lang maglaba. Ang saya. Yung kwarto ko naman ang naghuhumiyaw, Fix me! Clean me!
6.      Naranasan ko na yung sumama sa HOHOL pero hindi talaga ko kasama kasi kaharap ko pa laptop ko at kelangan talaga malapit sa isang electric socket ang table namin dahil kelangan kong matapos ang editing job before Friday 6pm. Tapos kaka-send ko lang, meron na namang dumating na bagong set. To comfort me, sabi sa email, I have 10 days to complete the task compared to the last one na 3 days lang. Aysus gid. Keep ‘em coming!
7.       As of today, 21 days to go before the examination day! Pero meron pa kong ibang non-language related exams na upcoming. Ayoko muna sila isipin. Isa-isa lang. Multi-tasker lang ako. Pero hindi ako Corei7 processor.
8.      I took the TESOL Certification 3 years ago, hoping na magagamit ko talaga sya someday. At eto na nga, dumating na ang panahon.
9.      Mag-eexpire na yung driver’s license ko, hanggang ngayon, wala pa rin naman akong dina-drive  at di ko pa rin alam ang daan patungo sa puso mo. Anudaw?
10.    After so many years, natapos ko rin ang book na Why Men Love Bitches. I therefore conclude, I am not a bitch. But I am no nice girl as well. I am in between, that’s why I am single. Marami din naman good points with book. But at the end of the day, I don't want to be called a bitch. Pero yung definition ng nice girl dun sa book, mas apt na tawaging stupid girl. Dapat ganun na lang, para ako na lang ang nice girl.
11.     Yung magigising ako ng 4am para mag-aral. Subsob sa libro. Literal. Kasi nakatulog na ulit ako hanggang mag-alarm ulit ng 5am. Pano ko makakapasa nito?!
12.    Nung isang araw pag-uwi ko, di na makatayo si Kenji, our white dog. Siguro mga nasa 70 dog years old na sya. Ang tanda na nya eh. And feeling ko din, bakla sya.
13.    Eto na talaga, kelangan ko na mag-cut sa coffee intake. Ah eh.
14.    Sinabi ko sa co-teacher ko na may bago kong pinapanood na Japanese drama. Tinanong nya ko kung nalagay ko na sa excel sheet. Oo, naka-excel ang mga pinapanood kong series at movies.
15.    Araw ng Kalayaan ngayon, pero malaya nga ba talaga tayo?

9:56 AM


Comments

Popular posts from this blog

It's her time to go.

11 Sept 2023

29 Sept 2023