Dahil Iyakin Ako. Noon, Ngayon at Magpakailanman


Hindi ko talaga alam kung bakit kelangan ka pang tumulo tuwing nasasaktan ako. Puwede namang di ka na umagos pa nang hindi na makita ng iba na may dinaramdam ako. O kaya, bat hindi na lang tuwing masaya ko ikaw dumating?

Kaso ibang klase ka! Mapamasaya, mapamalungkot na pinagdaraanan ko, nandyan ka.

Bukod sa ayokong maramdaman ang sakit ng pagkabigo, ayoko ding makita ng iba ang pagdurusa ko. Kung pwede lang na hindi ka dumaloy tuwing naaalala ko ang masasakit na kahapon. Nagagawa ng iba yun, pero bat saking mga mata parang may bukal ng mga luhang laging nag uunahan sa paghaplos sa magkabilang pisngi ko.


Ayun na nga...... POKER FACE sana.

Comments

  1. iyak lang ng iyak... kahit walang dahilan, go lang! Kung yan ang trip mo, hindi kita babasagin sa aspetong 'yaan... just don't tell people we're friends ha? hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. anoberrrrr... ikaw kaya ang nag-introduce sakin dito... hahahah

      Delete
  2. oki lang yun mr. tripster :D salamat sa pagdaan :)

    ReplyDelete
  3. kaya pala singkit na yang mata mo dahil sa kakaiyak? hehe

    ReplyDelete

Post a Comment

don't be shy, i'd love to hear from you....

Popular Posts